Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Kasunod ng airstrike ng US sa isang residential area sa Yemeni capital noong Linggo ng gabi, inihayag ng Ministri ng Kalusugan ng bansa, na hindi bababa sa 16 angbilang ng mga sibilyan ang nasugatan sa nabanggit na paglusob.
Inihayag ng Ministri ng Kalusugan at Kapaligiran ng Yemeni, na umabot ng 16 ang bilang ng mga mamamayan ng Yemen ang nasugatan bilang resulta ng isang airstrike ng US sa lugar ng "Sawwan" sa "Al-Arbaeen" Street, na matatagpuan sa distrito ng "Shu'ub" sa lungsod ng Sanaa.
Ayon sa Al-Mayadeen Network, inihayag ng Yemeni Ministri ng Kalausugan, na naganap ang pag-atake kagabi at ang mga istatistikang ibinigay ay ang unang pagtatantya ng mga tao na nasawi sa airstrike na ito.
Inilarawan din ng ministeryo ang pag-atake bilang isang aksyon laban sa mga sibilyan at isang malinaw na paglabag sa mga internasyonal at makataong kasunduan at batas.
..............
328
Your Comment